1 of 8

Slide Notes

DownloadGo Live

Sa Stylus O Sa Lapis

Published on Nov 21, 2015

No Description

PRESENTATION OUTLINE

SA LAPIS AT SA PAPEL

KA PA BA
Photo by shawncampbell

O SA TEKNOLOHIYA

NA HAWAK-HAWAK NATIN NGAYON

ANO BA ANG MAKABUBUTI SA ATING PAG-AARAL

ANG LAPIS AT PAPEL BA O ANG TEKNOLOHIYA ?

Ang henerasyon natin ngayon ay pareho pa ba sa dati? O ganoon pa rin ba ito kagaya ng ating kinalakhan.Bata pa man tayo lapis at papel ang hawak natin sa mga panimulang araw ng ating pag-aaral.Sa buong mundo hawak ng mga estudyante ang lapis at papel simula sa pagpasok.Ngayon palang unti unti nang nawawala na ang kaugaliang ito. Nakikita ko ngayon ang bagong henerasyon nating mga kabataan. Ang mga libro na hawak dati nasa e-book na nakapaloob sa ipad, ang mga presentasyon sa Manila paper sa mga aplikasyon na ng ipad, at ang dating mga pagsusulit minsan nandito na rin sa ipad. Kahit papaano marami -rami pa rin ang mga estudyanteng gumagamit ng papel at lapis. Masasabi natin na may ilang mga eskwelahan ngayon

na gumagamit na ng teknolohiya para sa pag-aaral kagaya na lamang ng ating eskwelahan habang lapis at papel ang gamit ng mga pampubliko at mga pribadong paaralan.

Parehong may mga benepisyong nakukuha sa dalawa pagdating sa ating pag-aaral. Para sa akin mas makabubuti sa pag-aaral ang mga nakagawiang gamit natin kaysa sa teknolohiya.Simulan natin sa ang mga benepisyo sa nakagawiang mga gamit kagaya ng mga libro, lapis, bolpen at papel. Unang-una sa lahat makakapagaral tayo Kahit walang kuryente , tanong niyo bakit?, kasi di na kailangan ng mga ito ng kuryente at kamay

lang natin ang gagamitin natin dito. Habang ang teknolohiya ay nangangailangan ng kuryente. Paano tayo makapagaaral kung walang kuryente at loabat pa ang ipad?, Sa tingin niyo ba makakapagaral tayo kapag gamit natin ang teknolohiya at walang kuryente?, ito ang dahilan kung bakit mas maganda ang mga libro, lapis papel at iba pa sa ating pag-aaral. Isa pang benepisyo biting mga ito ay ang may ipad na gastusin.Masasabi nga natin na matigil ito ngunit marami naman puno ang pinuputol.Ang benepisyo naman ng teknolohiya ay simple lamang. Kapag gamit natin ang teknolohiya kagaya ng ipad

Masasabi natin na mas madali tayo makakapagresearch at makapagaral mas advanced din ang ilang mga lesson na makikita sa ebook kaysa sa mga libro ngunit meron Itong dalawang problema. Isa pang benepisyo na makikita sa paggamit nito ay ang pagkoonti ng mga punong pinuputol. Unang- una mahirap Malalaman kung Sino ang nandadaya sa pagsusulit kapag nagsasagot tayo sa paaralan, makapandadaya ang ilang mga estudyante dahil sa research na magagawa nito kapag may Internet.Ang isa pang problema nito ay ang malaki at magastos na halaga ng mga ito.

Tama nga na mababawasan ang mga punong pinuputol kapag gamit natin ang mga ito ngunit makakapos naman ang mga Bulusan natin. Aanohin mo pa ang ganyang kamahal na gastos kung masasagad naman ang pera sa bulsa, aanohin mo pa ang ganyang kalaking gastos kung papwede naman gumamit ng mga lapis, bolpen at libro kagaya ko.Masasabi man natin na ang teknolohiya ngayon ay mas maganda at mabilis kaysa sa mga nakagawiang gamit sa eskwelahan ngunit mayroon pa ring mga di-benepisyong problema ang makikita mula sa mga ito. Para sa akin talagang mas makabubuti ang mga gamit na ating kinalakhan sa eskwelahan kaysa sa mga teknolohiya pagdating sa ating pag-aaral sabi nga raw na" Ang hindi bumalik sa pinangalingan siyang di makakarating sa pupuntahan"