Isang araw pagkatapos na paalisin si Elon sa Paypal bilang CEO, naupo siya sa kaniyang upan at lumapit sa lamesa para kalikutin ang kaniyang komputer. Masama ang loob dahil pinaalis siya sa kompanya na siya mismo ang gumawa at nagpalaki dahil nakita niya ang potential na maging mas maganda ang kompanya pero dahil din doon ito ang naging kabiguan niya. Pagkatapos mag-isip isip kung paano makakabangon sa kahirapan, ngayon naalala ni Elon dati ang hilig niya sa outer space at sa mga spaceships /spaceshuttles. Dito niya naisip na itayo ang SpaceX. Marami na siyang pera na inilaan at ibinuhos para maging malaking tagupay ito ngunit maraming tao na hindi sumangayon sa ideya niya katulad ng idolo niya na si Neil Armstrong. Masakit na malaman na ang naging inspiration para maitayo ang SpaceX ay siya din na may gusto na pigilin ito.
Pero kahit ganoon itinuloy niya ito. naglaunch na sila ng tatlong spaceship pero lahat ng mga ito ay naging palpak, dapat doon ay itataas na ni Elon ang puting bandila pero naalala niya kung bakit niya sinimulan ang kompanyang ito, para maabot ng tao ang langit at makita ang mundo sa ibabaw kaya ipinalipad namin ang pang apat na space shuttle at naging tagumpay ito. At doon ang naging simula ng pag-unlad ng kompanya at buhay ni Elon Musk.
Isa sa mahalagang aral na mapupulot natin sa kuwento ni Elon Musk ay wag tayo magpatalo at laging magpursige sa buhay kahit gaano ito kahirap .Makikita ito sa pagpursige niya sa paggawa ng SpaceX at Tesla. Makikita din natin dito na ang kasabihang “ hard work pays off” dahil kahit sa mga hadlang na naharap ni Elon Musk tinuloy pa rin niya ang pangarap niya at naging isang billionaryo siya sa huli. Ang mga magagandang imbensyon at ideya ay nagsisimula sa harap ng lamesa at iyon ang naging tulay upang maging matagumpay si Elon Musk. Isang araw ng kabiguan sa harap ng komputer niya.