Pinag-umaga, sa wakas, ng Diyos sa bayang sindak na sindak. Wala pa ring palatandaan ng buhay ang mga bahay. Gayunman, umiingit na nabuksan ang isang dahon ng bintanang kahoy at sumungaw ang ulo ng isang paslit.....
Sinabi ni Elias na ayaw niyang magambala si Ibarra sa kaniyang ginagawa. Nguinit naparito si Elias upang tanungin si Ibarra kung may ipagbibilin ba sa lalawigan ng Batangas na sasadyain niya ngayon.
"Paano ninyo nasawatan ang pag-aalsa kagabi?" Tanong ni Ibarra habang nakatitig kay Elias.
"Napakadali!" Walang gatol na sagot ni Elias. "Ang mga namumuno sa pagkilos ay magkapatid na namatay ang ama sa palo ng guwardiya sibil. Isang araw, nagkapalad akong iligtas sila sa mga kamay na pumatay sa kanilang ama at nagkautang loob sila sa akin. Sila ang kinausap ko kagabi at sila ang namahala sa pagpayapa ng iba."
"At ang magkaptid na ito ay namatay sa palo ng ama?"
"Matutulad sila sa ama," sagot ni Elias sa mahinang tinig.
"Kapag minsang natatakan ng kasawian ang isang mag-anak, kailangang abutin ng kasawian ang lahat ng kasapi. Kapag natamaan ng kidlat ang isang punong kahoy, abo ang lahat."
At nagpaalam si Elias nang makitang walang imik si Ibarra.
Pinipilit ni Lucas si Ibarra na sabihin kung magkno ang kaniyang ibabayad ngunit naiinis na si Ibarra dahil sinabi niya na pag-uusapan na lamang nila ito sa ibang araw.