PRESENTATION OUTLINE
Ang pananaliksik ay ginagawa ng mga eksperto sa naturang larangan upang hanapan ng sagot o eksplanasyon ang isang bagay o pangyayari. katulad sa mga sakit, sinasaliksik ng mga eksperto kung saan nagmula ang sakit, ano ang sintomas ng sakit, ano ang epekto ng sakit at paano gamutin ang sakit na ito.
DISENYO NG PANANALIKSIK
- Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang pag-aaral
- Deskriptib-analitik na disenyo
Instrumento ng Pananaliksik
1. Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos
at impormasyon
2. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano
at bakit niya ginawa ang mga iyon.
3. Maaaring mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagconduct ng sarbey at
pagpapasagot ng sarbey
Tritment ng mga Datos
Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailarawan.
Metodolohiya
Ang metodolohiya ay ang mga pamamaraan kung saan ginagamit sa pananaliksik upang makapangalap ng mga datos o impormasyon na may kaugnayan sa pananaliksik. Iilan sa mga metodolohiya na ginagamit ay ang intirbyu, kwestyuner atbp.
PRESENTASYON NG MGA DATOS
Sa pananaliksik ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mgadatos sa lohikal, sikwensyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayo saisinasagawang pag-aaral at interpretasyon .
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Lagom: binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap.
Kongklusyon: mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap.
Rekomendasyon: mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.