1 of 36

Slide Notes

DownloadGo Live

KABANATA 57

No Description

PRESENTATION OUTLINE

KABANATA 57

Sabi-sabi at Kuro-kuro

Ang Kabanata 57 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang "Sabi-sabi at Kuro-kuro"

Pinag-umaga, sa wakas, ng Diyos sa bayang sindak na sindak. Wala pa ring palatandaan ng buhay ang mga bahay. Gayunman, umiingit na nabuksan ang isang dahon ng bintanang kahoy at sumungaw ang ulo ng isang paslit.....

luminga-linga, pinahaba ang leeg, at tumingin sa lahat ng dako.... PLAS!

Ipinahayag ng tunog ang biglang pagtama ng isang pinatigas na katad sa sariwang balat ng tao. Napangiwi ang bata, napapikit, nawala, at muling sumara ang bintana.

Nagkaroon ng halimbawa. Tiyak na narinig ang pagbukas at pagsarang iyon sapagkat isa pang bintana ang marahang nabuksan at maingat na sumungaw ang matandang babae, kulubot at walang ngipin-Si Hermana Pute, na nambulahaw noong nagsesermon si Padre Damaso.

Ang mga bata at matanda ang mga kinatawan ng pagkamausisa sa lupa:

ang una, dahil sa hangaring malaman

ang ikalawa, dahil sa hangaring may matandaan.

Walang alinlangang walang nangahas na paluin siya ng tsinelas dahilnanatili siyang nakadungaw, kunot-noong tumanaw sa malayo, nagmumog, lumurang maingay, at saka nag-antada. Kiming nagbukas din ng isang bentanilya ang katapat na bahay at lumitaw si Hermana Rufa, na ayaw manloko at ayaw ring maloko. Sandali silang nagkatinginan, nagkangitian, naghudyatan sa isa't isa, at muling nag-antada.

RUFA: Hesus! Parang isang misa ng pasasalamat, pati kastilyong paputok!

PUTE: Mula noong looban ni Balat ang bayan,wala pa akong nakitang tulad kagabi.

RUFA: Ang daming putok! Ang sabi, pangkat daw iyon ni Tandang Pablo.

PUTE: Mga Tulisan? Hindii maari! Ang sabi, mga kuwardilyero laban sa mga sibil. Kaya hinuli si Don Filipo.

RUFA: Sanctus Deus! Santong Diyos! Ang sabi, di kukulangin sa labing-apat ang patay.

Nagbukasan ang iba pang bintana, at iba't ibang mga mukha ang lumitaw at nagbatian, at nagbigay ng kani-kanilang palagay.

Sa liwanag ng araw na nangangakong maging aliwalas, matatanaw sa malayo ang mga sundalong paroo't parito, tulad sa magulong mga abuhing anino.

PERSON1: Hayun ang isa pang patay

PERSON 2: Isa? Dalawa ang nakikita ko.

PERSON 3: Hindi po, isang pag-aalsa sa kuwartel!

PERSON 4: Aba, mali kayong lahat. Mga Tsino ang nag-alsa.

LAHAT: Mga Tsino!

PERSON 1: Kaya pala wala kang makikita kahit isa!

PERSON 3: Baka namatay lahat.

PERSON 2: May kutob akong may gagawin silang masama. Kahapon

PERSON 4: Nakini-kinita ko rin nga, kagabi...

RUFA: Sayang! Namatay lahat bago mag-Pasko. Noon sila dumadalaw na may dalang aginaldo.. Hinintay na sana nila ang Bagong Taon.

Unti-unting nag,abuhay ang lansangan. Unang lumisaw ang mga aso, inahing manok, baboy, at kalapati. Sumunod sa mga hayop ang mga paslit na marumi, magkakapit-bisig, at nakikiming lumapit sa kuwartel. Saka ilang matandang babae, nakatalukbong ng mga panyuwelo sa ulo at nakabuhol sa ilalim ng baba, may tangang malaking rosaryo, nagkukunwang nagdadasal! Upang padaanin sila ng mga sundalo.

Nang makitang maari nang maglakad nang hindi binabaril, saka nagsimulang lumabas ang tila walang-bahalang mga lalaki. Sa umpisa, palakad-lakad sila sa tapat ng tribunal.

Makalipas lamang ang labinlimang sandali, kumalat ang iba't ibang bersiyon. Nais agawin ni Ibarra, kasama ng kaniyang mga katulong, si Maria Clara, at ipinagtanggol ang huli ni Kapitan Tiago katulong ang guwardiya sibil.

Hindi na labing-apat kundi tatlumpu ang bilang ng mga patay. Nasugatan si Kapitan Tiago at aalis ngayon din patungong Maynila kasama ang kaniyang pamilya.

Lumikha ng malaking bulong-bulungan ang pagdating ng dalawang kuwardilyerong may buhat na kamilya na anyong tao ang laman at kasunod ng isang guwadiya sibil. Sinapantahang muli sila sa kumbento. Batay sa anyo ng iba pang nakalawit, mag humula kung sino siya. Sa di-kalayuan, may nagsasabing siya nga iyon. Sa malayo-layo pa, dumami ang dumating na patay, at naganap ang misteryo ng Santisimo Trinidad. Naulit ang milagro ng mga tinapay at mga isda, naging tatlumpu't walo ang bilang ng mga patay.

Sa ikapito't kalahati ng umaga, pagdating ng mga guwardiya sibil buhat ang mga karatig-bayan, malinaw at detalyado na ang na ang kumakalat na bersiyon.

RANDOM PERSON: Kararating ko lang buhat sa tribunal at nakita ko roong bilanggo sina Don Filipo at Don Crisostomo. Nakausap ko ang isa sa mga kuwardilyerong nagbabantay. Aba, ipinagtapat ang lahat kagabi ni Bruno, ang anak niyong namatay sa hagupit. Tulad ng alam niyo, ipakakasal ni Kapitan Tiago ang anak sa binatang Espanyol. Nasaktan si Don Crisostomo, ibig maghiganti, at tinangkang pataying lahat ng mga Espanyol, pati na ang kura. Sinalakay kagabi ang kuwartel at ang kumbento. At mabuti nalang, sa saw ng Diyos, nasa bahay ni Kapitan Tiago ang kura. Sinasabing maraming nakatakas. Sinunog ng mga guwardiya sibil ang bahay ni Don Crisostomo at kung hindi naunang dinakip, baka sinunog din siya.

PUTE: Sinunog ang bahay niya?

RANDOM PERSON: Nakapiit lahat ang mga katulong. Tingnan ninyo, nakikita pa mula rito ang usok! Pawang malungkot ang isinasalaysay ng lahat ng galing doon.

ASAWA NI PUTE: Kawawang binata!

PUTE: Oo. Ngunit tingnan mo, hindi siya nagpamisa kahapon ukol sa kaluluwa ng kaniyang ama, na walang-alinlangang higit na nangangailangan kaysa iba

ASAWA NI PUTE: Ngunit tao ka, wala ka abng awa?

PUTE: Awa sa mga eskomulgado?Kasalanan ang maawa sa mga kaaway ng Diyos, sabi ng kura. Naalala mo ba? Sa kamposanto. kung lumakad siya, akala mo'y nas akural ang hayop!

ASAWA NI PUTE: Ngunit magkamukha lamang ang kural at ang kamposanto. Maliban sa pangyayaring sa una'y iisang uri lamang ng hayop ang pumapasok.

PUTE: Makikita mo! Ipagtanggol mo pa ang maliwanag na pinarurusahan ng Diyos. Tingnan mo kundi dakpin ka rin. Bumabagsak na ang bahay na sinusuyahan mo!……

PUTE: Aba! Pagkatapos niyang pagbuhatan ng kamay si Padre Damaso, wala na nga siyang ibang magagawa kundi patayin si Padre Salvi.

ASAWA NI PUTE: Ngunit hindi maitatangging mabait siya noong bata.

PUTE: Oo, mabuti siyang bata. Ngunit pumunta sa Espanya. Lahat ng pumupunta sa Espanya ay nagiging erehe, sabi ng mga kura.

ASAWA NI PUTE: Ohoy? At ang kura, at lahat ng mga kura, at ang Arsobispo, ata ang Papa, at ang Birhen, hindi ba't taga Espanya sila? Aba! Magiging erehe rin ba sila? Ha?

Mapalad si Hermana Pute. Naputol ang pagtatalo dahil sa pagdating ng isang babaeng katulong na humahsngos, balisang-balisa, at namumutla.

KATULONG: May nagbigti sa taniman ng ating kapitbahay!

LAHAT: Nagbigti!?

KATULONG: Opo, opo. Mangunguha sana ako ng bataw... Tumanaw ako sa pataniman ng kapitbahay upang makita kung... Nakita ko ang isang lalaking nakabitin... Lumapit ako upang manghingi ng bataw, at hindi pala siya, iba pala, isang patay. Nagtatakbo ako, nagtatakbo.

ASAWA NI PUTE: Tayo na, tingnan natin. Smaahn mo kami.

PUTE: Huwag kang aalis! Baka may masamang mangyayari sa iyo. Nagbigti ba? Aba, lalong masama sa kaniya!

ASAWA NI PUTE: Bayaan mo nang tingnan ko. Pumunta ka, Juan sa trubunal at ipaalam mo. Baka hindi pa patay.

At pumunta siya sa taniman, kasunod ang katulong na nagtatago sa likuran niya. Sumunod ang mga babae, pati si Hermana Pute, na lipos ng takot at hilig mag-usisa.

KATULONG: Hayaan po

Sabi ng katulong na huminto at isinenyas ng hintuturo. Tumigil ang pangkat sa katamtamang layo at pinabayaang mag-isang lumapit ang matandang lalaki.

Isang katawan, nakabitin sa sanga ng isang santol, ang marahang uugoy-ugoy sa tulak ng simoy. Ilang sandaling tintignan ng matanda ang bangkay at nakita ang nanigas nang mga paa, mga bisig, ang damit na marumi, ang lungayngay na ulo.

ASAWA NI PUTE: Siya ang nakatira sa kubong iyon. Dumating siya may dalawang linggo na ang nakararaan. Tingnan ninyo ang pilat sa mukha.

MGA BABAE: Aba Ginoong Maria!

BABAE: Ipagdarasal ba natin ang kaniyang kaluluwa?

PUTE: Tanga kang erehe! Hindi mo ba alam ang sabi ni Padre Damaso? Isang pagtukso sa Diyos ang pagdarasal alang-alangsa isang kondenado. Walang katapusang sumpa ang iginagawad sa pagpapakamatay. Kaya hindi inililibing sa sagradong pook. Nakikita ko nang masama ang sasapitin ng lalaking iyan. Ni hindi ko nabatad ang ikinabubuhay.

BABAE: Dalawang ulit ko siyang nakitang kausap ang sakristan mayor.

PUTE: Matityak na hindi upang mangumpisal o magpamisa!

Nagdatibgan ang mga kapitbahay, at marami ang pumaligid sa bangkay na patuloy pang umuugoy. Makaraan ang kalahating oras, dumating ang alguwasil, angdirektorsilyo, at dalawang kuwardilyero, Ibinaba nila ang bangkay at isinakay sa isang kamilya.

DIREKTORSILYO: May mga taongnagmamadaling mamatay.

tumatwang wika ng direktorsilyo habang kinukuha ang plumang nakaipit sa tainga.

Nanghuhuli siyang nagtanong, kinuha ang pahayag ng babaeng katulong na sinikap niyang siluin, minsang tingnan mo nang masama o takutin, o ipaangkin kaya ang mga salitanghindi nito nasabi. Kaya sa dul, dahilsaakalangdadalhin siya sa piitan, nagsimulang umiyak ang katulong at inamin sa wakasna hindi siya naghahanao ng bataw kundi.. at ibinigay saksi si Teo.

Samanta.a, isang tagabukid na may malapad na salakot at malaking balabal sa leeg ang sumisiyasat sa bangkay at sa lubid.

Nangingitim ang mukha tulad ng ibang bahagi ng katawan. Makikita sa itaasng marka ng silo ang dalawang galos at dalawang maliliit na pasa. Maputi at walang dugo ang nagsagas na lubid. Siniyasat ng mausisang tagabukid ang kamisa at pantalon. Napansin niyang punong-puno nga
alikabok at bagong punit ang ilang bahagi. Ngunit ang higit na napansin niya ay ang mga amorsekong nakadikit hanggang sa kuwelyo ng kamisa.

DIREKTORSILYO: Ano ang tinitingnan mo?

TAGABUKID: Tinitingnan ko po ku makikilala ko

DIREKTORSILYO: Pero di mo ba narinig na siya raw si Lucas?