Ang musika natin noon ay iba na sa ngayon. Ang musika noon ay may mga kahulugan at may mga aral na naibibigay pero ngayon, puro pagmamahalan nalang. Yung ngayon, ito ay puro kalokohan nalang at walang hulugan. Puro nalang tungkol sa panliligaw, kasawian sa pag-ibig at sa kanilang mga kalokohang ginagawa. Dati, pinapaliwanag nila ang kanilang mga kultura, karanasan, relihiyon at ang kanilang mga kapaligiran. Marami tayong nalaman dahil sa kanilang musika noon pero ang mga kanta ngayon, sinisira nila ang ating isipan.
Iba narin ang ating arkitektura. Ngayon, puro ito malls, grocery, etc. Noon, wala pa masyadong mamahalin na tindahan, simpleng tindahan lang noon at ibang pabilihan ng gamit. Ang mga bahay pa natin noon ay gawa lang sa kahoy at pininturahan pero ngayon, iba-iba ng mamahalin na bagay ang ginagamit para sa pagpapatayo ng bahay. Puro bentanilya lang din ang pangpalamig na nilalagay nila sa bahay nila dati. Ngayon, di na sila naglalagay ng bentanilya dahil meron naman na silang aircon. Napansin ko rin na karamihan ng mga bahay noon ay malalaki pero kung titignan mo ang mga bahay ngayon, napaka-liit ng mga ito.
Napaganda ng sayaw natin noon. Pinapakita sa mga sayaw na ito ang kanilang mga karanasan, buhay, kultura at relihiyon. Ang sayaw natin ngayon ay puro nalang kalokohan, landian at kaartehan. Kung ikukumpara mo, mas maganda noon dahil marami kayo na sasayaw, mas makikilala niyo ang isa't isa at matututunan niyong makipagkomunikasyon para alam mo kung sabay-sabay ba kayo o hindi. Ngayon, ang sayaw natin ay karamihan, iisa nalang o dadalawa nalang ang sumasayaw. Parehas pa silang nagbabastusan ng katawan pero noon, marunong sila gumalang sa isa't isa.
Ang paraan ng pakikipagkomunikasyon natin noon ay sa paraan ng pagtugtog ng instrumento at pakikipag-usap ng harapan dahil wala pang social media at cellphone noon. Kayalangang ngayon, hindi na natin nagagamit ng tama ang ating social media. Dapat ang social media ay ginagamit upang makipagusap sa mga mahal sa buhay na malayo sayo at malaman ang nangyayari sa kanila pero nagagamit na natin ngayon ito para makasira ng kapwa at ginagamit narin ito para sa mga masasamang bagay. Di na natin naco"control" ang paggamit nito, inuubos na natin ang oras natin dito kaya mas maganda noon kasi mas marami ka pang malalaman tungkol sa paligid mo dahil kailangan mo talagang lumabas para kausapin ang isang tao.
Pati pa ba tattoo, iba narin? Buti pa noon, ang pintados noon ay simbulo, sinisimbulo nito kung gaano ka kataas sa iyong komunidad. Ngayon, ang tattoo ngayon ay puro kalokohan nalang. Kung anu-ano ang pinapatatak na mga imahe na walang kabuluhan. Ang tattoo rin ay sumisimbulo narin sayo. Kung puro mga alak, sigarilyo, babae at iba pang kalokohan ang nakatatak sayo, ang magiging tingin ng tao sayo ay isang taong loko-loko. Ang nakatatak pa na pintados noon ay mga "Philippine patterns" kaya talagang magiging "proud" ka. Ngayon, onti-onti ng nawawala ang mga "patterns" natin dahil kung anu-ano na ang ating pinapa"drawing."