1 of 10

Slide Notes

DownloadGo Live

Aral.pam

No Description

PRESENTATION OUTLINE

Ano ba ang BILL OF RIGHTS

listahan ng mga karapatang pantaong nakasaad sa saligang batas ng isang bansa

Ang Panukalang Batas ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas.Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang unang sampung susog (pagbabago) sa Konstitusyon ng Estados Unidos, na ipinagtibay noong 1791 at naggagarantiya (sumasagot o nangangako) ng ganyang mga karapatan katulad ng mga kalayaan sa pagsasalita, pagpupulong, at pagsamba. Isa pang halimbawa ay

ang kasunduang pangkonstitusyon ng Inglatera noong 1689, na kumumpirma o tumiyak sa deposisyon (pagkatanggal sa tungkulin) ni Haring James II ng Inglatera at ang aksesyon (pagtatalaga sa tungkulin o trono) nina William at Mary ng Inglatera, na gumarantiya sa paghahalilihang Protestante, at ang paglalatag o pagtatalaga ng mga prinsipyo ng supremasya o pangingibabaw na parlamentaryo

Ang kasalukuyang Saligang Batas ng Pilipinas ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 na pinagtibay noong 2 Pebrero 1987 sa ilalim ni Corazon Aquino sa isang plebisito kung saan ang higit sa 3/4 o 76.37% ng mga humalál (17,059,495) ang sumang-ayon dito, laban sa 22.65% (5,058,714) na bumotong tutol sa pagpapatibay nito. Ito ang pumalit sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 na pinagtibay sa ilalim ni Ferdinand Marcos.

Pagkakalikhâ ng Saligang Batas ng 1987 Baguhin

Pagkakalikha ng Saligang Batas ng 1987 Baguhin

Kasunod ng Himagsikang People Power na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at kasunod ng kaniyang inaugurasyon, si Corazon Aquino ay nagpahayag ng Prokalamasyon Blg. 3 noong Marso 1986 na nagdedeklara ng pambansang patakaran upang ipatupad ang mga repormang minandato ng mga tao, magprotetka ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas, at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas. Kalaunan ay nag-isyu si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Blg. 9 na lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (na pinaikling "ConCom") upang ibalangkas

ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973 na ipinatupad noong panahon ng batas militar sa ilalim ni Marcos. Humirang si Aquino ng 50 kasapi sa komisyon. .Ang mga kasaping ito ay hinugot mula sa iba't ibang mga karanasan kabilang ang ilang mga dating kongresista, dating hepeng hustisya ng Korte

Suprema ng Pilipinas na si Roberto Concepcion, isang obispong Katoliko at direktor ng pelikulang si Lino Brocka. Si Aquino ay sadyang humirang din ng 5 kasapi nito kabilang ang dating Ministro ng Empleyo na si Blas Ople na dating kaalyado ni Marcos hanggang sa pagpapatalsik dito. Pagkatapos magtipon ang komisyon, hinalal nitong pangulo si Cecilia Muñoz-Palma na umahon bilang pangunahing pigura sa oposisyong laban kay Marcos kasunod ng pagreretiro ni Muñoz-Palma bilang unang babaeng kasamang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas